Quoted By:
Putang ina niyong lahat pati kayong mga hayop na tinatakwil ang kanilang sariling lahi. Palaging nagsasabi na nahihiya siya sa kaniyang sariling bayan. May magbabago ba pag palagi lang pag sasalita ang iyong ginagawa? Ba't di mo idala sa iyong sariling kamay ang lautasan sa mga problemang ito? Dapat sa iyo at sa atin at sa isa't isa mag simula ang pagbabago. Makikita mo itong mga taong sa pagdama nila na akala nila'y mas nakakataas pa sila kesa sa mga kasama nilang kababayan kasi sa isip nila'y edukado sila ngunit ba't lumalayas sila sa ibang bansa para mamuhay ng marangya duon habang kinukutya ang kanyang sariling kababayan bakit maralita ang kanyang bansa. Sawa na akong sa mga katulad ninyong gustong mamuhay ng parang dayuhan. Asan ba nawala ang puso ng pagiging isang pilipino, kahit na nasa kahigpitan ay tinatawanan lang natin at sa bayanihan ay inangat natin ang isa't isa sa kahirapan. Namatay ba ito kasama sa pagtakwil kay Bonifacio at KKK sa mga nabahiran ng kapangyarihan kagaya ni Emilio? Kaya'y gumising na kayo at maging pagbabago na inyong ninais-nais. Para sa bayan, Para sa Pilipinas, Para sa Katipunan. Wag nating kalimutan ang pinaglalaban ng ating Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Kahit na ang pangalan ng ating bansa ay hindi ating, Kahit na ang ating tradition ay nabahiran ng mga Espanyol at Amerikano. Sama sama natin itong gawing ating, sama sama tayong mag hanggad at isa-sama ang mga iba't ibang tribo sa ating bansa at gawin nating isang malakas at makapangyarihang kultura na hindi basta't maapi ng mga dayuhan. Para sa bayan, Ilagay ang inyong buhay para sa Perlas ng Silanganan. MABUHAY ANG KKKK, MABUHAY ANG PILIPINAS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!